Hustisya
ni: Jansen Estilon
Ako'y musmos pa lamang ng aking masaksihan
Ang pag aaway na humahantung na sa patayan
Ng dahil sa silang dalawa ay may alitan
Isang buhay ng tao ang kanyang winakasan
Ako'y kinakabahan at napa iyak na lamang
At naisip ko na sana'y panaginip nalang
Dahil ako'y naawa sa taong pinaslang
Dahil baka mangyari ito sa aking magulang
Sigaw ng pamilya "hustisya ay nasaan"?
Sagot ng polis ay agad itong aaksyonan
Lumipas ang oras panahon ay nagdaan
Hustisya ay tuluyan na ngang tinalikuran
Porket ba mahirap lang ay wala ng karapatan
Na ipaglaban ang kanilang pangangatwiran
Upang ang katarungan ay kanilang makamtan
Subalit hindi pa nila muling naranasan
Kahit ako'y bata ay aking nakikita
Ang mga bulok na sistema ng ating bansa
Kahit sa mahihirap ay pinatatamasa
Sana naman maging patas na tayo sa kapwa