Monday, September 9, 2019

Kapaligiran Sa Mundo ng Kalapastanganan
Ni : Mitch Rabino


Sa pagmulat ko ng aking mga mata
Kapaligiran ang tanging naipinta 
Hinahangaan at kahali-halina
Hinahanap, kinagisnan kong kayganda

Puso'y dinudurog at hindi malaman 
Tulad ng bula, nalaho nalang bigla
Kapaligiran na s'yang tinatamasa
Nasaan na? Maibabalik pa kaya?

Walang sawang pagtatapon ng basura 
Dahilan upang lahat ay magbago na
Mga punong dati ay hitik sa bunga 
Kaawa-awang pinutol, nangawala 

Mga basurang ikinalat sa dagat 
Pininsala mga yaman nating dagat
Di man lang inisip, di man lang nag-ingat
Maaaring bawiin sa atin ang lahat

Sa paglapastangan ng kapaligiran 
Hatid sa bawat isa ay kapaitan
Kadiliman ng mundo'y mararanasan
Halina't ingatan, inang kalikasan



1 comment: