Monday, September 9, 2019

Kabataang Nawala sa Landas
( Cherrylyn Brabante )


Kabataang nahilig sa saya
Puro alak, sigarilyo, droga
Ang laging hinahawakan nila,
Mga siraulo pa ang iba

Kabataan laman ng inumang
Sila ay patulog-tulog lamang
Mga katanungan ng magulang
Ay, nasasagot na ng pabalang 

Kabataang nalolong sa droga 
Ay nakagagawa ng masama
Na nagdudulot ng dugong luha
Sa pamilya ng namayapa na

Kabataang away ang inuna
Imbis pag-aaral ang ipuna
Magulang ay napapahiya
Dahil sa kalokohang nagawa 

Mga kalapating kabataan
At nawal man sa katinuan
Ay huwag naman nating husgahan
Pagbago kanilang karapatan

1 comment: